Aminado ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na hindi nila sakop ang pagre-regulate ng mga pinapalabas sa mga online streaming platforms at social media.
Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng MTRCB na nagkakhaalaga ng P164 million, sinabi ni Chairperson Lala Sotto-Antonio na kahit pa maraming reklamo sa mga content online ay hindi bahagi ng mandato ng kanilang ahensya ang pagrebyu, classify at regulate sa mga materyal na pinapalabas online.
Pinunto ni MTRCB Executive Director Roberto Diciembre nang nabuo ang MTRCB noong 1985 sa bisa ng Presidential Decree 1986 ay wala pang internet kaya hindi na naisama sa kanilang hurisdiksyon ang online content.
Dinagdag rin ni Sotto-Antonio na hindi rin sapat ang kanilang mga tauhan para i-monitor at rebyuhin ang mga online content.
Aniya ay mayroon lang silang 31 board members samantalang halos milyon-milyon ang online content na kailangang rebyuhin kung sakali.
Sa ngayon, kabilang sa mga ginagawa ng ahensya ay ang pakikipag-ugnayan at pakikipagdayalogo sa mga online streaming platform para matiyak na may nakalatag na safeguards at feedback mechanism.| ulat ni Nimfa Asuncion