Electric Coops, nagtamo ng ₱3.9-M halaga ng pinsala bunsod ng bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa ₱3.9-million ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng electric cooperatives bunsod ng hagupit ng bagyong Enteng.

Sa latest power monitoring report ng National Electrification Administration (NEA), mayroon pang 13 electric cooperatives (ECs) mula sa 13 lalawigan ang naapektuhan ng bagyo.

Normal naman ang operasyon ng pitong apektadong ECs bagamat mayroong anim na power coop nakaranas ng partial power interruptions.

Kaugnay nito, bumaba na rin sa 56,000 ang bilang ng apektadong consumer connections bunsod ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us