PNP, nakikipag-ugnayan na sa Indonesian Police para mailipat ang kostudiya kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan nang nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang Indonesian counterparts kaugnay sa nangyaring pag-aresto kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, nasa indonesia ang kanilang Police Attache para siyang mag-asikaso sa turnover kay Guo.

Gayunman, hindi na nagbigay pa ng kaukulang detalye ang PNP chief hinggil sa operational matters sa pagkakaaresto kay Guo.

Kasalukuyang nakadetine sa Jatanras Mabes Polri si Guo at isinasaayos na ang pagbabalik nito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Nabatid na naaresto si Guo sa Jakarta, Indonesia ganap na ala-1:30 kaninang madaling araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us