Mananatiling suspendido ang face-to-face at asynchronous classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Marikina bukas, September 5.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat na inaasahang mararanasan hanggang bukas.
Sa anunsyo ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa Marikina PIO Facebook Page, sinabi nitong maaaring ring tumaas pa ang antas ng tubig sa Marikina River dahil sa patuloy na pabugso-bugsong ulan at posibleng pagpapatupad ng evacuation.
Nagpapaalala naman ang alkalde sa mga residente ng lungsod na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga update kaugnay sa lagay ng panahon.
Sa ngayon, as of 6:47 PM umabot na ito sa 15 meters at itinaas ang unang alarma ibig sabihin pinaghahanda ang mga nasa mababang lugar sa paglikas.| ulat ni Diane Lear