Sinimulan na ng United States Defense Technology Security Administration (DTSA) at U.S. Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) ang pinal na “security survey” sa mga piling unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang Security Assistance Visit (SAV) ay kritikal na bahagi ng pagsasapinal ng General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang inspection team ng Estados Unidos na pinangunahan ni Mr. Steve James ng DTSA ay malugod na tinanggap ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Magsasagawa ang inspection team ng pagsusuri sa security practices ng AFP, partikular sa information security, physical security, computer security, at security training, kung tumutugma sa “security standards” na kailangan sa pag-handle ng sensitibong impormasyong militar. | ulat ni Leo Sarne
📸: TSg Obinque/PAOAFP