Higit 180,000 residente sa Metro Manila, naapektuhan ng bagyong Enteng — DSWD-NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 185,102 na indibdiwal ang naapektuhan ng bagyong Enteng sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng higit 45,000 na pamilya mula sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, Taguig, Quezon, San Juan, at Valenzuela City.

Batay pa sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, aabot pa sa 4,933 na pamilya o 23,029 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.

Samantala, sumampa na rin sa ₱28-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot nito sa mga apektado ng bagyo.

Tiniyak naman ng DSWD Field Office National Capital Region (NCR) – Disaster Response Management Division, na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang makapagbigay ng resource augmentation tulad ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Enteng. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us