Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas at pagkain sa bansa sa gitna ng panibagong tama ng bagyong Enteng sa sektor ng pagsasaka.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, walang dapat ikabahala dahil may sapat na suplay ng bigas mula sa lokal na produksyon at gayundin sa imported rice.
Paliwanag pa ni De Mesa, pinaiigting ng kagawaran ang mitigation efforts nito para mabawasan ang epekto ng mga paparating pang kalamidad sa agri sector lalo na sa inaasahang La Niña.
Tuloy-tuloy rin ang assistance sa mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad kabilang ang mga binhi, at Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy.
Batay sa inisyal na assessment ng DA, mayroon nang ₱350-milyong halaga ng pinsalang natamo ng agri sector kasunod ng pananalasa ng bagyong Enteng.
Katumbas ito ng 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol Region at 13,623 magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa