Naitala ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbagal ng inflation sa bansa nitong Agosto.
Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 3.3% ang inflation mula sa 4.4% ang inflation noong Hulyo.
Ang average inflation na rin sa bansa mula Enero hanggang agosto ay nasa antas na 3.6%.
Paliwanag ng PSA, bunsod ito ng mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages kabilang ang bigas at kamatis.
Nakaambag rin sa pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na inflation sa diesel, gasolinana, at pamasahe sa barko na bumaba sa -0.2%.
Pagdating sa National Capital Region (NCR), bumagal rin sa 2.3% ang inflation nitong Agosto na nahatak ng pagbagsak ng presyo ng gulay gaya ng kamatis, bigas, at isda. | ulat ni Merry Ann Bastasa