Nasa ilalim na ng “La Niña alert status” ang buong Pilipinas sa pagkakaroon ng 66 na porsyentong tsansa na makakaranas ang bansa ng mas-mataas sa normal na pagbuhos ng sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre, at Nobyembre na maaring tumagal hanggang sa unang kwarter ng 2025.
Ito ang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos atasan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensyang miyembro ng Council na palakasin ang paghahanda sa mga inaasahang bagyo sa mga susunod na linggo.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo kahapon sa NDRRMC, pina-siguro niya ang “availability of resources” upang mabilis na makapaghatid ng “relief and assistance” sa mga apektadong mamamayan.
Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng “dynamic assesment” sa klima, para masiguro ang kahandaan at tamang alokasyon ng “resources”. | ulat ni Leo Sarne