9,000 benepisyaryo ng Davao City, nakatanggap ng bigas at tulong pinansyal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang 9,000 mag-aaral, maliliit na negosyante, at indibidwal na bahagi ng vulnerable sector sa Davao City ang nakatanggap ng pabigas, tulong pinansyal at pangkabuhayan sa pamamagitan ng tatlong programa ng Administrasyong Marcos Jr.

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang seremonya ng pamamahagi ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, Integrated Scholarships and Incentives for the Youth (ISIP) Program, at Start-Up, Investments, Business Opportunities and Livelihood (SIBOL) Program sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Davao ngayong Huwebes.

Sa ilalim ng CARD, 3,000 benepisyaryo na pawang mula sa vulnerable sectors gaya ng mga mahihirap, senior citizens, persons with disability (PWDs), single parents, Indigenous People (IP), at iba pa ang nakatanggap ng P5,000 sa pamamagitan ng AKAP ng DSWD.

Lahat sila ay nakatanggap din ng 20 kilos ng premium Pinoy rice.

Para naman sa ISIP Program, nasa 3,000 tertiary at vocational students ang napagkalooban din ng tig-P5,000 mula rin sa AKAP ng DSWD, at tig-5 kilo ng bigas.

Maliban dito ay maipapasok din sila sa Tulong Dunong Program (TDP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kung saan ang mga estudyante ay makakakuha ng scholarship assistance kada taon na nagkakahalaga ng P15,0000 at priority slot sa Government Internship Program (GIP).

Ang kanilang mga magulang o guardian naman na walang trabaho ay ipapasok sa DOLE-TUPAD Program.

Nasa 3,000 nagsisimulang mga maliliit na negosyante naman ang natulungan ng SIBOL sa pamamagitan ng pagkakaloob ng P5,000 na tulong pangkabuhayan. 

“We believe that these financial assistance programs are an investment. Kapag umunlad ang mga tinutulungan natin mula sa mga sektor na ito, mag-aambag na sila para sa pag-unlad ng bayan. Kaya lubos ang aking suporta sa pagpapatuloy ng CARD, ISIP at SIBOL program,” sabi ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us