ERC Chair Atty. Dimalanta, pinatawan ng 6 na buwang preventive suspension ng Ombudsman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta.

Ito ay kaugnay sa inihaing reklamo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (NASECORE) sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Pete Ilagan.

Sa resolution ni Ombudsman Samuel Martires, anim na buwang preventive suspension ang ipinataw kay Dimalanta.

Iginiit ng Ombudsman, na malakas ang kaso laban kay Dimalanta at posibleng ikatanggal sa puwesto ng opisyal.

Ang mga reklamong grave abuse of authority, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial at the best interest of the service.

Pinatawan aniya ng preventive suspension si Dimalanta upang hindi na makagawa ng kamalian sa kaniyang opisina.

Nag-ugat ang reklamo matapos na hayaan umano ng ERC ang Meralco na bumili ng kuryente sa WESM nang walang approval ng komisyon.

Batay ito sa inilabas na resolution 10 series of 2021 ng ERC. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us