Nakatakdang maglabas ng Implementing Rules ang Regulations ang Department of Health para sa “Solo Parent Law”.
Sa interpellation ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa budget deliberation ng DoH, sinabi nito na 2 taon ng delayed ang guidelines at hanggang sa ngayon ay wala pa.
Aniya matagal ng inaantay ang diskwento ng mga solo parents para sa gamot at infant formula.
Ayon kay DoH Sec. Teodoro Herbosa, nakatakdang ipresenta sa kanilang board meeting ang guidelines sa September 6.
Panawagan din ni Herrera na tapusin na ang panuntunan upang malaanan ng pondo ang otomatikong membership ng mga solo parent sa Philhealth. | ulat ni Melany Reyes