Kwento ni Shiela Guo ukol sa paglabas nila ng Pilipinas, muling nakuwestiyon sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagdudahan ni Senator Risa Hontiveros ang entry stamp ni Shiela Guo sa Sabah.

Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice, pinuna ni Hontiveros ang tatak ng pagpasok sa Sabah ni Shiela.

Sa Philippine passport kasi ni Shiela, nakatatak na dumating ng Malaysia sina Shiela ng July 18 at may entry stamp rin sila sa Sabah ng July 19.

Pero base sa impormasyong natanggap ni Hontiveros mula sa democratic action party, sister party ng Akbayan sa Malaysia, peke ang stamp nina Shiela sa Sabah.

Base rin aniya sa kumpirmadong source ng komite, dumating sina Shiela sa Kuala lumpur Malaysia noong July 18.

Bago ito, napag-alaman rin na nanggaling pa muna sa Bali, Indonesia sina Shiela, bagay na walang makitang record hanggang ngayon.

Gayunpaman, iginigiit pa rin ni Shiela Guo ang kanyang naunang istorya na mula sa Pilipinas ay nagbangka at barko sila ng ilang araw bago nakarating ng Sabah saka palang daw sila nag-Malaysia. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us