Pinawi ng Department of Justice (DOJ) ang pangamba ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na maaaring magkaroon ng hindi patas na pagdinig sa kanyang kaso.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, makakakuha ng due process of law ang nasabing religious leader habang dinirinig ang kanyang kaso.
Wala rin daw dapat ipangamba si Quiboloy sa batas ng Pilipinas dahil ang mga ebidensya ang titimbangin ng korte sa kasong sexual abuse at iba pa.
Umaapela din ang kalihim sa mga law enforcers na tiyakin ang kaligtasan ni Quiboloy habang ito ay nasa detention cell. | ulat ni Mike Rogas