Pormal na lumagda sa sisterhood agreement ngayong araw ang Lokal na Pamahalaan ng Mandaluyong at munisipalidad ng Lubang, Occidental Mindoro.
Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Lubang Municipal Mayor Michael Orayani ang seremonya ng paglagda sa Mandaluyong City Hall.
Layon ng naturang kasunduan na magbukas ng mas malawak na kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang larangan.
Gaya sa larangan ng turismo, kalakalan, kultura, at edukasyon.
Bilang simbolo ng kanilang bagong ugnayan, nag-alay ang Mandaluyong LGU ng mga regalo sa Lubang, isang rebulto nina Manda at Luyong na sumisimbolo sa kasaysayan ng Mandaluyong, at isang kopya ng Book of Ordinances ng lungsod. | ulat ni Diane Lear