Suportado ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang panawagan na magtatag ng inter-agency flood Management plan sa Metro Manila.
Ayon kay Tiangco, kasunod ng mga kamakailang pagbaha, kailangan na maghanda at maging mas maagap sa mga flood programs.
Ginawa ni Tiangco ang pahayag matapos bigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangang i-update ang mga flood hazard maps.
Aniya ang pagtugon sa weather patterns ang dapat pangunahing prayoridad at magagawa lamang ito kung maisasakatuparan ang inter-agency aproach na magsasagawa ng comprehensive review and analysis sa kasalukuyang flood risk.
Sa ngayon kasi anya maraming dimensyon ang problema sa pagbaha, mula sa pagbabago ng klima, urbanisasyon, kakulangan sa imprastraktura, maging sa pag-uugali ng tao.| ulat ni Melany V. Reyes