Tinalakay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Marine Corps (USMC) ang nakatakdang Maritime Training Activity (MTA) Sama-Sama sa pagitan ng dalawang pwersa.
Ito’y sa pagpupulong ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura at USMC Commandant General Eric Smith, nang bumisita ang huli sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ang pagpupulong ay naging pagkakataon para tuklasin ang iba’t ibang larangang pang-kooperasyon ng dalawang pwersa na naka-ankla sa pagtataguyod ng rules-based-international order at nagkakaisang bisyon para sa isang matatag at maunlad na Indo-Pacific Region.
Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Cordura sa pagbisita ni Gen. Smith at binigyang diin ang kahalagahan ng patuloy na “partnership” ng AFP at USMC. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP