Pinakokonsidera ngayon ni Quad Committee lead chair at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na magkaroon din ang Pilipinas ng RICO o Racketeering Influenced Corrupt Organizations Law gaya sa Amerika.
Bunsod na rin ito ng natuklasang pagkakaugnay-ugnay ng Chinese-based organized crime syndicate na nag bukas ng mga POGO na sangkot din sa iba pang krimen gaya ng kidnapping, torture, murder, online scams, human trafficking at prostitution.
Aniya, kinakain ng korap na system ng mga sindikatong ito pati mismo ang mga opisyal ng gobyerno at otoridad.
“Nakakagalit, nakakasama ng loob at nakakatindig balahibo ang mga patuloy na lumalabas na rebelasyon at impormasyon mula sa mga resource persons, mga dokumento at iba pa, hinggil sa China-based organized crime syndicate na ito na nilamon na ang ang dignidad at pagkatao nang ilan sa ating mga law enforcers at government officials na na-corrupt dahil sa limpak-limpak na pera,” diin ni Barbers
Kaya naman nainiwala si Barbers na panahin nang magkaroon ng isang batas laban sa criminal enterprise gaya ng RICO Act ng US na epektibo sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot na indibidwal at organisasyon.
Sa ilalim kasi nito, ituturing na unlawful o labag ang pag-operate o pagtanggap ng kita mula sa isang organisasyon na may racketeering activity. | ulat ni Kathleen Forbes