Alice Guo, target paharapin sa Quad Committee sa mga susunod na pagdinig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balak din ng Quad Committee ng Kamara na paharapin si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa kanilang imbestigasyon upang malinawan ang kanilang pagtalakay sa isyu ng operasyon ng Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa.

Gayunman, sabi ni Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, hindi pa nila padadaluhin sa susunod na pulong ng komite ngayong Huwebes, September 12 si Guo.

Aniya, magiging paksa muna ng kanilang pagdinig bukas ay ukol sa napaulat na extra judicial killings.

“Yes we will invite her (Guo), but not this Thursday. EJK muna tayo.” ani Barbers

Posibleng sa susunod na linggo pa muli pag-usapan ng Quad Comm ang isyu ng POGO kung saan kailangan aniya nila ang presensya ni Guo, dating Presidential Spokesperson Harry Roque, at Cassandra Ong.

Matatandaan na sa isang panayam kay Deputy Speaker David Suarez, sinabi niyang maaaring hilingin din ng Kamara sa korte na payagang paharapin si Guo sa pagdinig ng Quad Comm. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us