Hiling ni Mayor Janice Degamo na i-expel si NegOr Rep. Teves, di pinagbigyan ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pinagbigyan ng House Committee on Ethics and Privileges ang request ni Pamplona Mayor Janice Degamo, na i-expel si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. bilang miyembro ng Kamara.

Sa paliwanag ni COOP NATCO Party-list Representative Felimon Espares, Chair ng komite, hindi pumasa sa committee rules ang inihaing apela ng alkalde.

Aniya, hindi kasi notarized at hindi under oath ang naturang request.

“My response was April 4. Nag reply na ako informing her na unsworn yung kanyang complaint and lack of content also based on our committee…the complaint [was] not able to qualify or pass it’s requirement in form and content. Unang una, it is not a sworn complaint. So pag hindi siya sworn complaint hindi na yan mag-qualify dito sa committee.” paliwanag ni Espares

Nilinaw din nito, na kahit pa ayusin ang naturang request letter at ipa-notaryo ay hindi na ito tatanggapin muli ng komite.

Inaasahan naman na magpupulong sa May 23 ang komite upang talakayin ang susunod na magiging aksyon, oras na mapaso na ang 60-day suspension na ipinataw kay Teves.

Ani Espares, kung hindi magpapakita si Teves bago matapos ang suspensyon sa kaniya ay pag-uusapan ng Ethics committee kung magkakaroon ng panibagong disciplinary action na ipapataw sa kaniya.

Kasama rin aniya sa kanilang pag-uusapan ay ang ginawang pag-apply ni Teves ng political asylum.

Sisikapin din aniya nila na matapos ito bago ang sine die break ng Kongreso. | ulat Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us