Suspendido ngayong Lunes ang klase sa ilang barangay sa Quezon City kasunod ng ipinatupad na “Localized Suspension.”
Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan ngayong araw.
Kabilang sa mga suspendido ang klase ang mga pampublikong paaralan sa mga sumusunod na barangay:
- Balingasa
- Damar
- Damayan
- Del Monte
- Lourdes
- Maharlika
- Manresa
- Mariblo
- Masambong
- N. S. Amoranto (Gintong Silahis)
- Paang Bundok
- Pag-ibig sa Nayon
- Salvacion
- San Isidro Labrador
- San Jose
- Sienna
- St. Peter
- Sta. Teresita
- Sto. Domingo (Matalahib)
- Talayan
- Paraiso
- Damayang Lagi
- Don Manuel
- Doña Aurora
- Doña Imelda
- Doña Josefa
- Kalusugan
- Roxas
- San Isidro
- Santol
- Sto. Niño
- Tatalon
- Bahay Toro
- Katipunan
- San Antonio
- Sto. Cristo
- Alicia
- Ramon Magsaysay
- Baesa
- Sangandaan
- Balong-bato
- Unang Sigaw
- Apolonio Samson
Ipinauubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong eskwelahan at kolehiyo ang pagpapasya kung magsususpinde rin ng klase. | ulat ni Merry Ann Bastasa