Higit 300,000 indibidwal, apektado ng habagat na pinalakas ng bagyong Ferdie — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa higit 85,000 na pamilya o katumbas ng 328,893 na indibidwal ang apektado ng ulan at bahang dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Ferdie.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama sa apektado ang MIMAROPA, Bicol Region, Western at Central Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at BARMM.

Nasa higit 9,000 namang pamilya ang nananatili sa evacuation centers.

Hindi naman tumitigil sa pagpapaabot ng tulong ang DSWD sa mga apektado ng habagat kabilang ang pamamahagi ng family food packs.

As of September 15, aabot na sa ₱8.5-million ang nailaan nitong humanitarian assistance sa mga apektadong LGUs.

Bukod pa rito, nananatili ang nasa ₱2.7-billion relief resources nito pantugon sa mga apektado ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us