Nabuksan sa tamang oras ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong Lunes, September 16.
Ganap na alas-5 ng umaga nang magbukas ang LRT Line 2 matapos maagang maisaayos ang nangyaring aberya.
Una kasi rito, tinamaan ng kidlat ang catenary wire sa bahagi ng Gilmore Station sa kasagsagan ng pag-ulan kagabi.
Ang catenary wire ay ang siyang kable na responsable sa pagsusuplay ng kuryente sa buong linya ng tren.
Dahil dito, normal na muli ang operasyon ng tren mula sa Antipolo Station patungong Recto at pabalik. | ulat ni Jaymark Dagala