Hindi pa rin pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkapaglayag ang ilang sasakyang pandagat sa iba’t ibang probinsya dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa ulat ng PCG, aabot sa 548 na mga pasahero, truck drivers, at helpers ang nananatili sa iba’t ibang pantalan.
Sa Eastern Visayas, suspendido ang mga biyahe sa:
– Kawayan Port, Kawayan Biliran
– Port of Padre Burgos
Habang stranded ang:
– 490 katao/ drivers / helpers
– 245 rolling cargoes
– 1 vessel
– 5 motorbancas
– 2 motorbancas
Sa Southern Tagalog naman, wala ring biyahe sa:
– Bulalacao Port
– Roxas Port na pawang nasa Oriental Mindoro kung saan stranded ang:
– 38 passenger / drivers / helpers
– 189 rolling cargoes
– 3 vessels
– 8 motorbancas
Sa Bicol Region, wala ring biyahe sa Bulan Port sa Sorsogon kung saan stranded ang 20 passenger / drivers / helpers. | ulat ni Mike Rogas