Muling humingi ng pagkaka-isa at pagtutulungan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino.
Sa harap ito, sabi ng Punong Ehekutibo, ng marami pang pangarap at plano ng kanyang administrasyon para sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na ang nais niya sana’y maging kaagapay ng pamahalaan ang bawat isa sa gitna ng mga planong nakalinya na mapagbuti pa ang serbisyo.
Bukod sa magandang edukasyon, inihayag ng Chief Executive na kabilang din sa mga nakalatag niya pang plano at matupad para sa mga Pilipino ay may kinalaman sa kalusugan at hanapbuhay.
Ang pangarap na ito, sabi ng Pangulo, ay sa gitna na din ng pagtiyak nito na walang sinomang maiiwan sa ilalim ng Bagong Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar