DSWD-NCR, nakatutok na sa lagay ng mga residenteng nasunugan sa Tondo, Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa na ang DSWD Field Office NCR – Disaster Response Management Division (DRMD) ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa nangyaring sunog sa Barangay 105, Tondo, Maynila noong Sabado.

Ayon sa DSWD, batay sa kanilang isinagawang assessment, humigit kumulang 1,737 na pamilya ang naapektuhan sa nangyaring sunog.

Ang mga apektadong pamilya ay nananatili sa Barangay 105 Covered Court, San Vicente Lim Elementary Schools, at Barangay 106 bilang pansamantalang evacuation center.

Kasunod nito, tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin itong makikipag-ugnayan sa Manila LGU para sa mga kakailanganin pang tulong ng mga apektadong pamilya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us