Ipinaabot ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hindi lang sa pag-bisita sa kanilang lungsod ngunit lalo sa pagpaaabot ng tulong sa may 3,682 na mangingisda.
Aniya, saksi ang mga Navoteño na sa dalawang taon pa lamang ng administrasyong Marcos, napakarami na ng naipaabot na tulong sa kanilang mga kababayan sa Navotas.
Kada fisherfolk beneficiaries ay dapat makatanggap ng P5,000 tulong pinansyal ngunit itinaas ito ng Pangulong Marcos sa P7,500
Kasama rin sa naipaabot sa mga benepisyaryo ang sampung kilong bigas mula naman kay Speaker Martin Romualdez.
“We are deeply grateful that the President took time out of his busy schedule to visit Navotas and personally meet our fisherfolk beneficiaries. His administration has provided extensive assistance to our residents and provided economic relief for thousands of Navoteños,” sabi ni Tiangco
Bago ang pagbisita ng pangulo mayroon na ring 2,368 na registered PWDs ang nakabenepisyo naman sa AKAP program kasabay ng kaarawan ng Pangulo noong Seytembre 13.
Katunayan mula aniya nang ilunsad ang programa noong Mayo ay umabot na sa 10, 282 ang benepisyaro sa Navotas. | ulat ni Kathleen Forbes