Tiyak na mapadadali na ang transaksyon ng mga motorista na may kinalaman sa trapiko sa National Capital Region (NCR).
Ito’y matapos pasinayaan ngayong araw ang Traffic Ticket Management Satellite Office ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, ang inisyatiba ay sa pakikipagtulungan ng Robinsons Land Corporation.
Nagsimula ang programa ng paglalagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng MMDA at Robinsons Land na sinundan naman ng ribbon cutting ng bagong satellite office.
Matatagpuan ang bagong satellite office ng MMDA sa Lingkod Pinoy Center, Lower Ground Floor, Robinsons Galleria, Ortigas Ave, Ortigas Center, Quezon City. | ulat ni Jaymark Dagala