Hindi pa inirerekomenda ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Presidential Communications Office (PCO) at Office of Civil Defense (OCD) ang suspension of classes sa Metro Manila bukas, dahil sa bagyong Gener.
Paliwanag ni PAGASA Weather Division Chief Juanito Galang, hindi pa gaano mararamdaman ang epekto ng bagyo sa kamaynilaan bukas.
Maliban na lamang sa thunderstorm na magpapaulan dulot ng habagat.
Gayunman, ipinauubaya pa rin ng PAGASA ang pagpapasya ng pagsususpinde ng klase sa mga local government unit depende sa sitwasyon ng kanilang lugar at forecast ng Weather Bureau.
Partikular dito ang mga paaralan sa Northern Luzon na madadaanan ng bagyong Gener. | ula t ni Rey Ferrer