Binalangkas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang diskarte ng Department of Agriculture (DA) na gawing moderno ang agrikultura ng Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng mga hakbanging naglalayong palakasin ang productivity, pagpapabuti ng food security at kita ng mga magsasaka at mangingisda.
Binigyang-diin ni Laurel ang mahalagang papel ng partnership ng gobyerno at pribadong sektor ukol dito.
Kabilang din dito ang pagpapabuti ng sakahan at post-harvest, imprastraktura, pagpapahusay ng logistic, at paggamit ng mga diskarte na nakabatay sa agham.
Kasabay nito ang mga pagsisikap na magbukas ng mga bagong merkado, sa harap ng pagbabago ng klima at iba pang mga hamon.
Sinabi pa ni Laurel na bubuo ang DA ng mga consultative council na magpupulong buwan-buwan upang pasiglahin ang pakikilahok ng mga stakeholder ng agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer