Upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng publiko tungkol sa monkeypox o mpox, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ng town hall meeting bukas, alas-10 ng umaga sa San Juan City Hall Atrium.
Ang town hall meeting ay pangungunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora at mga kinatawan ng Department of Health (DOH).
Layon ng pagtitipon na magbigay ng tamang impormasyon at iwaksi ang mga maling paniniwala tungkol sa mpox na isang viral disease na dulot ng Monkeypox virus.
Kabilang sa mga dadalo ang mga opisyal ng lungsod at barangay, mga healthcare worker, at barngay worker.
Ayon kay Mayor Zamora, mahalagang maipaalam sa kanila ang mga katotohanan tungkol sa sakit upang maiwasan ang pagkalat nito at mapataas ang kamalayan ng publiko.
Sa tala ng DOH noong September 9, mayroon ng 15 na naitalang kaso ng mpox sa Pilipinas para sa taong 2024.| ulat ni Diane Lear