Iprinisenta ng United States Agency for International Development (USAID) sa Department of Finance (DOF) ang kanilang panukalang country strategy for the Philippines 2024-2029.
Sa pulong ni Finance Secretary Ralph Recto sa mga senior official ng USAID kamakailan napag-usapan ang mga hakbangin upang mapalakas ng cooperation ng Pilipinas sa international organization.
Ang country strategy ng USAID ay nakalinya sa Philippine Development Plan.
Nagpasalamat naman si Recto sa USAID sa kanilang patuloy na suporta sa Pilipinas at sa development agenda nito.
Diin ni Recto, kelangan ngayon ng bansa ang suporta sa climate finance particular ang dagdag na pondo para sa People’s Survival Fund.
Ang proposed country strategy ay naka-focus sa good governance, climate resilience at sustainability.| ulat ni Melany V. Reyes