Binigyang diin ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada na kinakailangang taasan ang alokasyong pondo para sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ito ay para matiyak na maibibigay ang lahat ng kailangan ng mga naka-deploy nilang barko at na masasailalim ito sa regular maintenance para masiguro ang seaworthiness ng kanilang mga barko.
Sinabi rin ni Estrada na sa pagdagdag ng pondo para sa PCG, kasama rin ang para sa pagbibigay ng mahalagang medical at welfare support sa mga crew at pamumuhunan sa teknolohiya at mga kagamitang magtitiyak na epektibo pa ring makakapag-operate ang ating mga sasakyang pandagat kahit sa gitna ng masamang panahon.
Giniit ng senador na dapat lang tugunan ang logistical requirements ng PCG para masuportahan ang kanilang misyon na ipagtanggol ang maritime territories ng Pilipinas at protektahan ang ating pambansang interes.
Nakita aniya ito sa kaso ng BRP Teresa Magbanua, na una nang pinauwi mula sa Escoda Shoal para matugunan ang medical needs ng mga tauhan ng nito at para isailalim sa kinakailangang repair.| ulat ni Nimfa Asuncion