Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha sa ilang lalawigan sa bansa dahil sa posibleng impact ng bagyong Gener.
Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 55km/h at moderate to heavy rainfall ang mga lalawigan ng:
Abra
Apayao
Aurora
Bataan
Benguet
Bulacan
Cagayan
Cavite
Ifugao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
La Union
Laguna
Metro Manila
Mountain Province
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pampanga
Pangasinan
Quezon
Quirino
Rizal
Tarlac
Zambales
Bagamat mababa ang banta sa ilalim ng Alert Level Alpha, patuloy na pina-iingat ng DILG ang mga LGU sa ilang posibleng maging panganib na dulot ng malakas na hangin at ulan.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy rin ang paghahanda ng DSWD para sa response efforts.
Katunayan, naghanda na ito muli ng family food packs sa ilang lalawigan kabilang sa Ilocos at Cagayan Valley Region. | ulat ni Merry Ann Bastasa