Mga kawani ng gobyerno, 3 araw makakalibre ng sakay sa MRT-3

Facebook
Twitter
LinkedIn

May alok na tatlong araw na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga kawani ng pamahalaan simula bukas, September 18.

Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Sa abiso ng DOTr-MRT, maaaring ma-avail ang libreng sakay sa buong oras ng operasyon ng tren hanggang sa Biyernes, September 20.

Kinakailangan lamang na magpakita ng employee ID sa station personnel upang mapatunayan na sila ay kawani ng gobyerno at makatanggap ng free ride.

Ayon kay MRT-3 General Manager Oscar Bongon, tanda ito ng pagsaludo at pasasalamat sa sakripisyo ng mga kawani ng gobyerno.

Ang unang biyahe ng tren mula sa North Avenue Station ay 4:30 ng umaga at 5:05 am naman mula sa Taft Avenue Station.

Samantala, ang huling biyahe ay 9:30 pm sa North Avenue Station at 10:09 pm naman sa Taft Avenue Station. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us