LRT-2, maghahandog ng 3 araw na libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng tatlong araw na libreng sakay sa LRT Line 2.

Ito ay para sa mga kawani ng gobyerno bilang pagpupugay sa ika-124 na anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Batay sa abiso ng LRTA, maaaring i-avail ang libreng sakay mula September 18 hanggang 20 simula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at 5:00 PM hanggang 7:00 PM.

Kailangan lamang magpakita ng government agency o office ID upang ma-avail ang libreng sakay.

Ang inisyatibong ito ay isang paraan ng LRTA upang pasalamatan at bigyang-pugay ang mga kawani ng pamahalaan na naglilingkod sa bayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us