Outstanding gov’t workers na bibigyan ng parangal, nakatakda na bukas – CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakda nang bigyan ng parangal bukas ng Civil Service Commission (CSC) ang mga nanalo sa 2024 Search for Outstanding Government Workers.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 Anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mangunguna sa aktibidad na gaganapin sa Palasyo ng Malacan̈ang.

Bibigyan ng pagkilala ang mga nanalong indibidwal at grupo na nagpakita ng huwarang pagganap, dedikasyon, at pagbabago sa kanilang mga tungkulin sa public service. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us