Nanawagan ngayon si House ICT Chair at Navotas Representative Toby Tiangco sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na kagyat na tumalima sa panawagan ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang whole-of-government approach sa paglaban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).
Giit ni Tiangco malinaw ang direktiba ng Pangulo na pabilisin at palakasin ang mga hakbang para tuluyang masawata ang child abuse sa digital space.
Ito’y sa gitna na rin ng pagiging hotspot ng Pilipinas pagdating sa sexual exploitation of children.
Nakaka alarma rin aniya na isa sa 100 Pilipino ang apektado ng naturang krimen.
“The President has made it his personal mission to tackle this pressing issue, and it is essential that all government agencies unite to put an end to online children abuse. Collective action is crucial to safeguarding the future of our youth,” aniya.
Diin pa ng mambabatas, kailangan maging agile o makasabay ang mga ahensya sa kanilang mga pagtugon sa nagbabagong digital space para mabilis na matigis at matukoy ang mga kriminal.
Paalala pa niya na kung magpapatuloy ang ganitong krimen ay nanakawin lang nito ang masayang kabataan at kinabukasan ng mga bata.
“Hindi pwedeng mabagal o hindi updated sa nagbabagong realidad sa cyberspace dahil kaligtasan ng mga bata ang nakasalalay,” giit pa niya
Maliban naman sa pagbuo ng Presidential Office of Child Protection naniniwala din si Tiangco na mahalaga ang parte mg lokal na pamahalaan sa laban kontra OSAEC.
“While we recognize the ongoing efforts of various agencies in combatting these heinous crimes, a whole-of-government approach is necessary if we want to make a significant impact. We must urgently design and implement community-based programs that tackle root causes such as poverty and unemployment, which often drive individuals into harmful activities,” dagdag niya. | ulat ni Kathleen Forbes