Sen. Gatchalian, iginiit na patunay ng pagiging sinungaling ni dating Mayor Alice Guo ang hindi tugmang pirma nito sa kanyang counter affidavit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Senador Sherwin Gatchalian sa patuloy na pagsisikap ng National Bureau of Investigation (NBI) na isiwalat ang mga panloloko ni dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Ito ay kaugnay ng natukalasan ng NBI na hindi tugma ang pirma ni Guo sa pirmang nasa counter affidavit na isinumite nito sa Department of Justice (DOJ).

Hindi na rin ikinagulat ni Gatchalian ang naging findings na ito ng NBI.

Aniya, consistent ang dismissed mayor sa panloloko at pagtanggi sa kanyang mga testimonya sa mga pagdinig ng Senado kahit pa harapan nang ibigay sa kanya ang mga ebidensya.

Iginiit ng senador na patunay lang ito na magaling magsinungaling at manloko si Guo.

Samantala, ikinatuwa naman ni Gatchalian ang pagsasampa ng DOJ ng non-bailable na kasong qualified human trafficking laban kay Guo.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi maitatanggi na malaki ang papel ng dating mayor sa operasyon ng POGO hub sa Bamban na naging pugad ng mga krimen.

Mahalaga aniyang managot ito at ang mga kasabwat niya para hindi na maulit ang ganitong krimen sa bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us