CIDG, handang tumulong sa mga mamamahayag na nakaranas ng harassment mula sa mga miyembro ng KOJC sa kasagsagan ng pagtugis kay Quiboloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinkayat ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga mamamahayag na nag-cover sa operasyon ng Pulisya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.

Ito’y makaraang mapaulat na nakaranas umano ng pangha-harass ang mga mamamahayag sa mga miyembro ng KOJC sa kasagsagan ng operasyon.

Ayon kay CIDG Spokesperson, Police Lt. Col. Imelda Reyes, handa silang tumulong mga miyembro ng media partikular na sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nang-harass sa kanila.

Ginawa ng CIDG ang pahayag makaraang umalma ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) sa karanasang ito ng mga mamamahayag sa Davao City na nakatanggap ng pagbabanta at verbal abuse.

Tinatayang nasa 40 mamamahayag ang nabiktima umano ng harassment mula sa KOJC members.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us