Itinalaga bilang Officer-in-Charge Chairperson and Chief Executive Officer ng Malakanyang si Atty. Jesse Hermogenes T. Andres sa Energy Regulatory Commission.
Base ito sa inilabas na Memorandum ng tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang September 20, 2024.
Ang pagkakatalaga kay Atty. Andres ay ginawa sa gitna ng umiiral na 6 months suspension order kay ERC Chairperson and CEO Monalisa C. Dimalanta.
Nakasaad sa memo na inilabas ng Executive Secretary na awtorisado si Atty. Andres na makakuha ng representation and Transportation allowance, Extraordinary at Miscellaneous expenses.
Si Andres ay nagsilbi sa nakaraan bilang Undersecretary sa DOJ kung saan ay pinamahalaan nito ang functions ng National Prosecution Service habang humawak din ng directorial positions sa iba’t ibang korporasyon. | ulat ni Alvin Baltazar