Pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag kainan, binigyang halaga ng DepEd ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Sa mensahe ni Education Secretary Sonny Angara sa flag ceremony sa DepEd Central Office, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng sabay-sabay na pagkain ng pamilya.

Ayon kay Angara, batay sa mga pag-aaral, ang mga mag-aaral na nakikilahok sa mga aktibidad ng pamilya at nakakapagkuwento tungkol sa kanilang araw sa paaralan ay mas malamang na magtagumpay sa kanilang pag-aaral.

Nauna rito ay sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan simula alas-3 ng hapon upang mabigyan ang mga kawani ng pamahalaan ng pagkakataon na ipagdiwang ang 32nd National Family Week.

Ang Septembre 23 ay itinakda bilang “Kainang Pamilya Mahalaga Day” alinsunod sa Proclamation No. 60 na inilabas noong 1992 sa ilalim ni dating Pangulong Fidel Ramos. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us