Mga lumahok sa ikalawang araw ng tigil-pasada ngayong araw, nabawasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mag-aalas-8 ngayong umaga nang muling umarangkada ang tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa Pasig City sa ikalawang araw nito.

Pero kapansin-pansin na kumpara kahapon, mas kakaunti na ang lumahok ngayon sa pagtitipon ng grupo sa likod ng Pasig-Palengke.

Ayon sa mga tsuper, pinili na ng ilan nilang kasamahan na bumiyahe dahil kailangang may maipanglaman sa kanilang hapag at pang-baon na rin ng kanilang anak ngayong araw.

Mamayang hapon naman iinaasahan magsasagawa ng kanilang programa ang PISTON.

Pero sa kabila nito, hindi naman naparalisa ang biyahe ng mga jeepney partikular ang rutang Pasig-Quiapo dahil sa marami ang pumasada. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us