Inilunsad ng Quezon City Government ang programang QC Tanggal Bara, Iwas Baha sa Barangay Central at Vasra.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa implementasyon ng proyekto para sa lahat ng 142 Barangay sa lungsod.
Layon ng City Wide Program na ito na maiwasan ang mga matinding pagbaha tuwing may pag ulan at bagyo.
Inoobliga nito ang mga Barangay na linisin ang kanilang mga drainage system, manholes, sewer inlets at mga kalsada.
Tinututukan rin ng pamahalaang lokal ang pagpapatupad nito lalo na sa mga flood prone areas at mga lugar na may pag apaw ng tubig kapag may ulan. | ulat ni Rey Ferrer
📷 QC Gov’t.