Pormal nang nanungkulan bilang chairperson, Officer-in-Charge (OIC), at Chief Executive Officer (CEO) ng Energy Regulatory Commission (ERC) si dating Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres ngayong araw.
Ito ay matapos siyang italaga bilang OIC Chairperson ng Komisyon alinsunod sa inilabas na memorandum ng Office of the Executive Secretary.
Sa kanyang unang araw sa trabaho, agad na nakipagpulong si Andres sa mga komisyoner ng ERC. Kabilang sa tinalakay sa pulong ang mga usapin na nangangailangan ng agarang aksyon ng pamunuan ng ERC.
Tinipon din ni Andres ang Management Committee (ManComm) upang bigyang-diin ang mabilis na pagkilos sa lahat ng nakabinbing usapin sa ERC.
Sa kabila ng pagbabago sa pamunuan ng ERC, tiniyak ng komisyon na ang operasyon ay hindi maaapektuhan.
Matatandaang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Ombudsman si
ERC Chairperson Monalisa Dimalanta dahil sa reklamong grace abuse of authority, grave misconduct, at conduct prejudicial at the best interest of the service. | ulat ni Diane Lear