Inamin ni Vice President Sara Duterte na totoong nagpunta siya sa Calaguas Island, Camarines Norte noong Lunes.
Ayon kay Duterte, nagtungo umano siya sa Calaguas Island upang alamin ang kalagayan ng mga residente at alamin ang problemang kanilang kinahaharap.
Kabilang aniya sa mga ipinarating na problema sa kaniya ng mga residente ang kakulangan sa medical facility, internet acess, kawalan ng kuryente, at kakulangan sa malinis na tubig.
Pero giit ni Duterte na Lunes ng umaga siya ay umalis ng Calaguas Island at sa mga oras na iyon ay wala pa namang nagaganap na pagdinig sa Kongreso dahil sa sobrang maaga pa.
Batay sa ulat ng Vinzons PNP, 6:28 AM noong September 23 nang umalis si Duterte sa Calaguas Island habang nakarating na siya sa bayan ng Vinzons noong mga oras na isinasagawa ang budget hearing ng OVP. | ulat ni Diane Lear