Naka-Full Alert na ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) bilang paghahanda sa pagpasok ng La Niña phenomenon gayundin ng mas marami at malakas na mga bagyo sa bansa.
Ayon sa PRC, kaugnay nito ay nakahanda na 24/7 ang kanilang monitoring at naka-stand by ang kanilang two-million Red Cross 143 volunteers sa buong bansa.
Dagdag pa ng PRC, handa na rin ang kanilang mga tinatawag na top-quality asset at paiigtingin din nila ang kanilang hot meals at water distribution, gayundin ang kanilang humanitarian service sa mga maapektuhang lugar.
Samantala, palalakasin din ng PRC ang kanilang health promotion seminars para sa kapakanan ng vulnerable communities sa mga flood-related disease. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: PRC