Mga kawani ng Quezon City Hall, lumahok sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nakiisa sa pag-duck, cover, and hold ang mga kawani at bisita ng Quezon City Hall sa ikinasang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kaninang umaga.

Pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang ginawang drill sa City Hall grounds.

Pagpatak ng alas-9 ng umaga, pinatunog ang malakas na alarma para sa 7.2 magnitude na scenario ng lindol.

Isa-isang nagbabaan ang mga empleyado pati mga bisita at nagtipon sa City Hall Risen Garden.

Nag-set up rin ng Incident Command Post kung saan isinagawa ang reporting at rapid damage assessment.

Layon ng aktibidad na ipakita ang kahandaan ng mga kawani ng pamahalaang lokal sa posibilidad na tumama ang isang malakas na lindol sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us