Office of the Speaker at Tingog Party-list, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Muntinlupa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkatuwang ang Office of the Speaker at Tingog Party-list sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa mga nasunugan sa Putatan, Muntinlupa.

Ang naturang ayuda para sa may 55 pamilyang nasunugan ay idinaan sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Tingog Party-list Representative Yedda Romualdez, umaasa sila na sa pamamagitan ng agarang tulong na ito ay makakasimula ang mga biktima sa pagbangon.

Nais din aniya nila na maipadama na hindi sila nag-iisa sa pagharap sa kanilang hamon ngayon.

“Nakikiisa kami sa ating mga kababayang humaharap ngayon ng mga pagsubok dala ng sunog na nangyari sa Patutan,” sabi ni Rep. Yedda Romualdez.

“This assistance showcases our unwavering dedication to supporting those in distress. Together, we will continue to provide relief and aid to families in need.” Dagdag ni Speaker Martin Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us