Posibleng umabot sa 75 basis points ang monetary policy rate cut ng Bangko Sentral ng Pilipinas bago matapos ang taong 2024.
Sa isang panayam kay BSP Gov. Eli Remolona, sinabi nito na maaaring magbawas pa ng tig-25 basis points sa October at December.
Maaalalang noong Agosto, nagbawas ang Bangko Sentral ng 25 basis points, kauna-unahan sa mga bansa sa Asya.
Ayon BSP chief, inaasahang papalo sa mas mababa ang inflation ng Setyembre kumpara sa 3.3% inflation ng Agosto kaya posible itong maging basehan ng Monetary Board.
Samantala, prayoridad ngayon ng BSP ang longer-term outlook sa inflation.
Aniya, nananatili silang maingat sa kanilang pagpapasya upang matiyak ang paglago ng ekonomiya, patuloy na pagbaba ng inflation at katatagan ng piso kontra dolyar. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes